Monday, June 20, 2011

Vote Puerto Princesa Underground River to be one of the New 7 Wonders of Nature (PROCLAMATION NO. 182)


Ang New 7 Wonders of Nature ay isang proyekto para subukang i-update ang konseptong Seven Wonders of the Ancient World na may modernong listahan ng mga bagong kahanga-hangang mga lugar sa buong mundo. Ang botohan na ito ay organized ng isang Swiss-based at government-controlled na New7Wonders Foundation. At ang ating ipinagmamalaki na Puerto Princesa Underground River sa Palawan ay isa sa mga kabilang sa nasabing poll.

May 28 na mga kalahok sa global search na ito kung saan mas malaki ang inaasahan na makukuha sa text at online votes. Ang pagboto ay hanggang November 11, 2011 (11.11.11) at ang mabibilang sa top seven wonders lamang ang siyang masasama sa parangal ngayong taon.

Katulad ng ibang bansa, ang gobyrno ng Pilipinas ay isa din sa kumakampanya  para iboto ang ating entry. Ang mga interesado ay maaaring makaboto sa pamamagitan ng mobile phone at internet kahit na ilang beses pa. Dito sa Pilipinas, i-text lamang ang PPUR at i-send sa 2861 sa pamamagitan ng inyong cell phone or maaari din sa pamamagitan ng pag-login sa http://www.new7wonders.com/ 

(1) To Vote by Telephone:
Just dial one of the international telephone numbers posted below :
+23 92201055
+1 869 760 5990
+1 649 339 8080
+44 758 900 1290
At the end of the message, after the tone, insert the 4 digit code for your chosen nominee. The code for Puerto Princesa Underground River is 7723.





Kahit nga si Pangulong Benigno Aquino III ay nananawagan din para suportahan ang finalist ng ating bansa. In fact, ang MalacaƱang ay nag-issue ng Proclamation 182 ukol dito. Ang kopya na nasabing pahayag ay makikita sa ibaba:


Para makita ang buong pahayag, please click here. At para i-download naman ito, click here

--
If you found this post helpful, we would appreciate if you could drop in a comment below to let us know your views. You could also share the link with your friends for them to be updated. This keeps us motivated to share more such post here.
--

No comments:

Post a Comment